Ang Possessive na Gangster Leaders Chapter 3: Who's the guy? Pam's POV Boooggsshhhh.... "Awtss......" "Aray..." Bwiset itong si kuya di man lang ako tinulungan. Ang sakit kaya ng puwet at ulo ko dahil nauntog sa matagas na bagay mula sa kanyang katawan. Walang green ha? Muscles yung matigas na bagay, okay? Tiningnan ko si kuya dahil di man lang talaga ako tinulungan at di man lang humingi ng sorry. Tumingin din ako sa likod kasi di rin ako tinulungan ni kumag. Pero 'pag tinginko sa likod ay wala pa si kumag, so ibig sabihin mabilis talaga akong tumakbo mwahahahaha.. Perowait, may atraso pa sa akin 'tong nasa harapan ko ei. Tumayo ako tumingala. Ang tangkad kasi ng halimaw na nasa harapan ko. Nag-eye to eye kami Di talaga nagpapatinag si halimaw. Di ko na to kaya. Ang ganda ng mga mata nya. Para akong natutunaw. Kaya ang ginawa ko na lang ay... "hoy! Ikaw bakulaw na halimaw, na matangkad, maganda ang hubog ng katawan, may magandang mata,matangos ang ilong, at pogi..." Napatakip ako ng aking bibig ng marealize ko kung anu-ano yung mga pinagsasabi ko. Uminit bigla ang aking mgapisngi. Dahil dun ay napatingin ako sa baba. Nakakahiya. "hehehehe" tinig ng tawang pinipigalan. Basatah alam niyo na yun Napatingin ako sa kanya. Mas lalo pang umusbong ang kanyang kapogian ay este ang aking kainisan. "Ahhhhhh.... Bwiset" Tinalikuran ko na siya. Nakakainis. Nasaan na kaya si kumag nay un. 'pag tingin ko ulit dun kay halimaw. Nakita ko rin sa di kalayuan si kumag. At ang sama ng tingin nilang dalawa. Nagkatitigan, para bang may tag of war. Magkakilala kaya silang dalawa? Bat parang ang init ng dugo nila sa bawat isa? Hayst ang dami kong tanong. Bahala na nga silang dalawa, makaalis na nga. Pumunta na ako ng classroom naming. Time check: oh my gosh! It's already 8 o'clock in the morning I'm super duper late na sa first subject naming. " okay lang yan, early ka naman sa 2nd subject" sabi ng konsensya ko. "ei, ganun pa rin yun, late pa rin ako" Wala na akong nagawa kundi ang 'wag nalang pumasok sa first subject. Pupunta na nga lang ako sa garden ng school. Oo tama kayo ng pagkakabasa, may garden itong school na 'to. Pagpunta ko dun, may nakita akong lalaking nakasandal dun sa may puno. Pumunta na lang ako dun sa may mga bulaklak. Pagpunta ko dun ay umupo ako sa may bench. Ang ganda talaga ditto. Fresh yung air. Habang tumatambay ako dun, bigla na lang may umupo sa bench na inuupuan ko. Npatingin ako sa kanya. Siya yung nakasandal kanina sa may puno. "hi, ako nga pala si josh" sabi niya habang nakalahad ang kamay at may kasama pang nakakasilaw na ngiti. a/n: ang korni "ah, hello, I'm Pam' tinanggap ko ang kanyang kamay at nakipag-shakehands. "palagi ka ba rito?" tanong niya sa akin "oo, maganda kasi rito" "diba may pasok ka? Bat ka nandito?" FC ( feeling close) din 'tong si kuya ko Sasagutin ko na nga para di magmukhang snob. "Late na kasi ako sa first subject namin, kaya ayun!" "ah.." "ikaw, bat di ka pumasok?" "Sa special class ako" Ay, bongga 'tong si kuya, special class. Yung mga special class kasi ay yung mga super genius, lima silang nandun. Kahit di na sila pumapasok o kahit di na nagtuturo yung mga guro ay napeperfect nila yung exam. Nakakainggit ei no? " ikaw na sa special class" sabay pout " hahaha.. ang cute mo" sabay pisil ng pisngi ko. "gusto ko nga sanang magpalipat ng section ei" si josh "bakit naman?" "kasi boring dun sa special class, tsaka sa section gusto ko, nandun din ang mahal ko" sabay tingin sa akin. " ah, ang swerte naman ng babaeng yun" "hindi siya ang swerte, kundi ako.." malungkot niyang pagkakasabi "KUNG mapapasaakin siya" pagpapatuloy niya pa. "ang dami kasing may gusto sa kanya, maraming nag-aasam sa kanya, pero ang lahat sila ay di makalapit dahil may pumipigil sa kanila. Kaya nga ako ngayon, ipaglalaban ko siya, dapat siyang mapasaakin dahil akin siya, akin siya!" Sinasabi niya yan ng nakatingin sa akin. Nakakatakot siya.. Nag-iba tuloy tingin ko sa kanya "sorry, nadala lang ako sa emosyon ko" "ah.. umm.. okay lang yun. Ah josh, punta na ako sa klase namin. "sigeh, see you next time" ang nakangiti niyang pagkakasabi "ang bilis mag shift ng mood" sa isip ko Tumalikod na ako at pupunta nan g room Kumag's POV Ako nga pala si patrick Yu. Galing sa Tokyo. JOWK. hahaha XD Sinadya ko talaga yung bunggo thingy. Para makausap ko siya, si PAM at para matitigan ko rin ang maganda, maamo at cute niyang mukha. Dati pa akong may-crush sa knay. Nung mga bata pa lanbg kami pero andyan kasi si Kevin. Binabakuran na kahit di nman sila. Kaya nga inis na inis ako sa kanya. Kaya heto ako ngayon, gumagawa na rin ng paraan. Alam niyo ba nung time na tinitigan niya ako Heaven dre, heaven na heaven. Grabeh ang lakas ng pagtibok ng puso ko Korni na kung korni basta yun yung nararamdaman ko. Di ko nga alam ei kung bakit ako nagkakaganito samantalang ayaw ko naman sa mga bakla. Pero ipaglalaban koi tong nararamdaman ko, kahit na anong mangyari. Someone's POV Magiging akin ka rin...... PAM Humanda kayo sa akin Patrick at Kevin. dahil sa inyo napapalayo sa akin ang mahal ko. ngayong nandito na ako sa Pilipinas, mas mapapadali ang plano ko. PAM, PAM, PAM. Kay gandang pangalan. Akin ka lang PAM aking kalang! walang sino man ang pwedeng mag-aari. kundi AKO LANG! SA SUSUNOD...